NAKUMPLETO na ang konstruksyon at handa nang i-turnover ang 1-Billion Peso Hibulangan Project Small Reservoir Irrigation Project sa Villaba, Leyte, ayon sa National Irrigation Administration (NIA).
Ang project na idinisenyo para sa saklawin ang 2,750 hectares ng palayan, ay magbibigay ng irigasyon na kailangan ng 1,820 na mga magsasaka mula sa mga bayan ng Villaba, Kananga, at Matag-ob, na itinuturing na Rice-Producing Towns sa lalawigan ng Leyte.
Sinabi ni NIA Hibulangan Small Reservoir Irrigation Project Engineer Kim Aldritz Panilag, na inaasahang pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon at turnover ng proyekto.
Idinagdag ni Panilag na bagaman mahigit labinlimang taon na simula nang umpisahan ang proyekto, ay kailan lamang ito nakumpleto bunsod ng iba’t ibang kadahilanan, kabilang ang lagay ng panahon at kakapusan ng pondo.