ISINUMITE na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang kanilang rekomendasyon na kasuhan ng kriminal si Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na inirekomenda nilang kasuhan si VP sara ng inciting to sedition at grave threat.
Kaugnay ito sa ibinunyag ni VP Sara sa press briefing noong nov. 2024, na may inutusan siyang tao para paslangin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at speaker Martin Romualdez, kapag siya ay pinatay.
Samantala, inihayag naman ng Bise Presidente na inaasahan na niya ang rekomendasyon ng NBI.
Matatandaang hindi sumipot si VP Sara nang i-subpoena ito ng NBI, at sa halip ay nagpadala lamang ito ng affidavit sa pamamagitan ng kanyang mga abogado.