BUMAGSAK sa record-low na 46 percent ang bilang ng mga pilipino na “very happy” sa kanilang love life.
Sa resulta ng pinakabagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS), mas mababa ang naturang pigura ng 12 points mula sa 58 percent na naitala noong Dec. 2023.
Pinakamababa rin ang 46 percent sa loob ng dalawampung taon mula nang sumadsad ito noong 2004.
Lumitaw din sa survey na 36 percent ng mga pinoy ang naniniwalang mas magiging masaya pa ang kanilang relasyon habang 18 percent ang nagsabing wala silang love life.
Kumpara sa 2023 figures, nabawasan ang kasiyahan sa buhay pag-ibig ng kalalakihan at kababaihan, lalo na sa mga lalaking mayroong live-in partners.
Ang Dec. 12-18, 2024 sws survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,160 adult respondents sa buong bansa.