12 July 2025
Calbayog City
Overseas

NATO, nagsalita na sa deployment ng North Korean Troops sa Russia

KINUMPIRMA ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang pagde-deploy ng North Korea ng kanilang mga sundalo sa Russia, at nag-o-operate ang mga ito sa Kursk Border kung saan mayroong matatag na posisyon ang Ukrainian Troops.

Ginawa ni NATO Secretary General Mark Rutte ang kumpirmasyon, ilang linggo matapos lumabas ang intelligence report, kasunod ng pakikipagpulong sa South Korean Security and Defense Officials.

Sinabi ng bagong talagang NATO Chief na ang naturang deployment ay nangangahulugan ng “significant escalation” at “dangerous expansion” ng pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Noong nakaraang linggo ay hindi itinanggi ni President Vladimir Putin ang pagdating ng North Korean Troops sa Russia, kasunod ng reports na naghahanda ang Pyongyang sa pagpapadala ng libo-libong sundalo para tulungan sa pakikidigma ang kaalyadong bansa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).