NANINIWALA ang National Security Council (NSC) na nais din ng China na pahupain ang tensyon sa West Philippine Sea, sa kabila ng lumalawak na pagsalakay sa pinagtatalunang teritoryo.
Sinabi ni NSC Assistant Director General at Spokesperson Jonathan Malaya na pakiramdam nila sa ahensya ay nais na rin ng China na pagaanin ang sitwasyon.
Gayunman, tumanggi si Malaya na tukuyin ang mga indikasyon ng pagnanais ng China na isulong ang kapayapaan sa lugar, sa pagsasabing ayaw niyang pangunahan ang Department of Foreign Affairs hinggil sa usapin.
Sa ngayon aniya ay mayroong official at non-official channels na ginagamit kasama ang China para mahanapan ng common ground at solusyon ang mga problema sa West Philippine Sea.