ITINAKDA ng Economic Team ng Marcos Administration na umuupo bilang Development Budget Coordination Committee (DBCC), ang budget ng bansa para sa susunod na taon sa 6.793 trillion pesos.
Inaprubahan ng DBCC na pinamumunuan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Proposed Fiscal Year 2026 National Budget Ceiling, na mas mababa kumpara sa Total Budget Proposals na tinanggap ng Department of Budget and Management (DBM).
Ayon kay Pangandaman, kabuuang 10.101 trillion pesos ang natanggap na Budget Proposals ng DBM para sa susunod na taon.
Gayunman, dahil aniya sa Limited Fiscal Space at sa commitment ng gobyerno na unti-unting bawasan ang Fiscal Deficit, nagsagawa ang DBM ng masusing ebalwasyon.
Ang inapribahang 6.793-Trillion Proposed Budget para sa 2026 ay 7.4 percent na mas mataas kumpara sa Actual 2025 Budget na 6.326 trillion pesos.