4 November 2025
Calbayog City
Province

Nakolektang langis mula sa lumubog na MT Terranova sa Bataan, umabot na sa mahigit 1 milyong litro

Umabot na sa kabuuang 1,032,557 liters ng oily waste ang nasipsip mula sa lumubog na MT Terranova sa Bataan simula nang mag-umpisa ang siphoning operations noong Aug. 19, ayon sa Philippine Coast Guard.

Sa pinakahuling update, sinabi ng PCG na nakasipsip ang kinontratang salvor na Harbor Star ng karagdagang 129,292 liters ng langis noong Sabado.

Una nang nag-deploy ang salvor ng additional pumps, para mapabilis pa ang operasyon, kung saan nasa 18,575 liters ang rate ng daloy ng oily waste kada oras.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).