INANUNSYO ng Pasig City Local Government na pansamantalang bubuksan simula ngayong Lunes sa two-way traffic para sa ilang partikular na behikulo at pedestrians ang F. Manalo Bridge na kamakailan lamang ay nasira.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bubuksan ang tulay simula ala sais ng umaga hanggang alas dose ng hatinggabi para sa two-way traffic, sa mga tricycle, motorsiklo, bisikleta, e-bikes, at pedestrians.
ALSO READ:
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, nagsimula ng tumaas bago ang Valentines Day
2 gwardya sa Intramuros, timbog sa pananakit sa menor de edad
Pinapayagan din ang pagdaan sa tulay ng mga ambulansya na may emergency calls at e-trikes na may bigat na hindi lalagpas sa 1,000 kilograms.
Ang F. Manalo Bridge sa Barangay Manggahan ay nasira noong Hulyo sa kasagsagan ng epekto ng habagat na pinaigting ng Super Typhoon Carina.
