25 April 2025
Calbayog City
National

Nagbenta ng sanggol sa online, kinasuhan na ng DOJ

Kinasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ng Qualified Trafficking at Child Exploitation ang mga miyembro ng sindikato na nagbebenta ng mga sanggol sa online.

Sa limang pahinang resolusyon, sinabi ng DOJ Task Force on Women and Children, and Against Trafficking in Persons na isinampa ang mga kaso laban kina Arjay Malabanan at Ma. Chariza Dizon sa Manila Regional Trial Court.

Nag-ugat ang kaso mula sa reklamo na inihain ng PNP-Women and Children Protection Center sa DOJ laban kina Malabanan at Dizon, batay sa impormasyon na ini-report ng National Authority for Child Care hinggil sa “Black Market” sa social media groups o communities, kung saan maaring iligal na makapag-ampon ang mga nagnanais magkaroon ng anak.

Mayo a-kinse nang masakote sa entrapment operation si Malabanan na nag-alok na ibenta ang bagong silang na sanggol sa halagang 90,000 pesos sa undercover law enforcers, habang si Dizon naman ang ina ng nailigtas na 8-day old baby boy.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *