SUMAMPA sa panibagong record-high ang rice tariff collections sa bansa sa unang sampung buwan ng 2024.
Sa preliminary data mula sa Bureau of Customs (BOC), umakyat sa 30.095 billion pesos ang kabuuang taripa na nakolekta mula sa 3.86 million metric tons ng imported na bigas hanggang noong katapusan ng Oktubre.
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Mas mataas ito ng 5.21 percent kumpara sa 28.604 billion pesos na nakolektang rice tariff simula Enero hanggang Oktubre ng nakaraang taon.
Nalagpasan din nito ang 29.93 billion pesos na nakolektang taripa sa bigas para sa buong taon ng 2023.
Ang lumobong rice tariff collections ay bunsod ng tumaas na volume ng imports, pagtamlay ng piso kontra dolyar at mas magandang shipment valuation ng customs sa kabila ng ibinabang taripa na 15 percent noong Hulyo.