25 April 2025
Calbayog City
Overseas

Ukraine, nagpakawala ng longer-range missiles na gawa ng Amerika sa Russia

NAGPAKAWALA ang Ukraine ng US-made longer-range missiles sa Bryansk Region sa Russia.

Ang pag-atake ay ginawa, dalawang araw matapos bigyan ng Biden Administration ang Kyiv ng go signal na gamitin ang longer-range American weapons.

Ayon sa Russian Defense Ministry, anim na ballistic missiles ang pinakawalan ng Ukraine patungo sa isang pasilidad sa Bryansk.

Nasalag naman ng Russian Air Defenses ang limang missiles habang isa pa ang nasira, at ang fragments nito ay nahulog sa teritoryo ng isang military facility na nagresulta ng sunog.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).