TINAPYASAN ng Moody’s Analytics ang kanilang Economic Growth Forecasts para sa Pilipinas ngayong taon at sa 2026.
Bunsod ito ng posibleng impact ng tumataas na uncertainties mula sa tariff policies ng United States.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Gayunman, sinabi ni Moody’s Analytics Economist Sara Tan, na nananatili ang Pilipinas bilang isa sa fastest-growing economies sa Southeast Asia.
Tinaya ng Moody’s Analytics ang Philippine Gross Domestic Product (GDP) na lalago ng 5.9% ngayong 2025, bahagyang mas mabagal kumpara sa kanilang 6% na baseline forecast noong Nobyembre.
Para naman sa susunod na taon, binawasan din nito ang GDP Growth Projection ng bansa sa 5.8% mula sa naunang 6.1%.