Inaasahan ng Asian Development Bank (ADB) ang pagbagal ng inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at bayarin sa Pilipinas.
Sa kanilang Asian Development Outlook for Sept. 2024, sinabi ng ADB na babagal sa 3.6% ang inflation sa bansa ngayong taon, mula sa naunang pagtaya noong Abril na 3.8 percent.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Paliwanag ng multilateral lender, repleksyon ito ng mabagal na pagtaas sa presyo ng mga pagkain, na bahagyang may kinalaman sa tinapyasang taripa sa imported na bigas.
Idinagdag ng ADB na tinayang bababa pa sa 3.2% ang inflation sa 2025 kumpara sa nauna nilang forecast na 3.4 percent.
Noong Agosto ay naitala sa 3.3 percent ang inflation sa Pilipinas.