NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang Movie ang Television Review and Classification Board (MTRCB) sa patuloy na pag-atake ng netizens kay Chairperson Lala Sotto.
Sa pahayag ng MTRCB, sa nakalipas na ilang linggo, ang mga pagbabanta ay ipinadadala pamamagitan ng official social media pages ng board at kabilang dito ang rape at death threats kay Sotto.
Ayon kay MTRCB Executive Director ii Atty. Mamarico Sansarona Jr., hindi deserve ng kahit na sinuman ang tumanggap ng mga personal na pag-atake.
Ipinaliwanag ni Sansarona na ginagawa lamang ng MTRCB ang mandato nito.
Sinabi ng MTRCB na bagaman bukas at kinikilala nito ang contstructive criticism, mariin naman nitong kinokondena ang anumang uri ng pagbabanta, harassment, o violence online at offline.