NAPALUTANG na muli ang lumubog na Motor Tanker Jason Bradley sa karagatan ng Bataan.
Ayon sa update mula sa Philippine Coast Guard (PCG), iniulat ng konintratang salvor na FES Challenger na 70 percent ng MTKR Jason Bradley ang refloated na.
ALSO READ:
Lalaki, patay matapos atakihin ng buwaya sa Palawan
Mahigit 1.8 million pesos na halaga ng iligal na mantika, nakumpiska sa Oriental Mindoro
5 pulis na sangkot sa pagnanakaw ng 14 million pesos na cash sa Porac, Pampanga, sinibak sa pwesto
PNP chief, ipinag-utos ang imbestigasyon sa pagpaslang sa broadcaster-councilor sa Surigao Del Sur
Ito ay kasunod ng ginawang seawater pumping at patching sa hull ng barko.
Sa sandaling makumpleto ang ginagawang proseso, hihilahin ang barko patungo sa Diving Industry Shipyard sa Barangay Alas-Asin, Mariveles, Bataan.
Lumubog ang naturang barko na may kargang 5,500 liters ng diesel noong July 26.
