Inanunsyo ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na sumuko sa mga otoridad ang most wanted person sa Samar.
Sinabi ni Abalos na sumuko ang trenta’y sais anyos na si Jimmy Managaysay Elbano, na may 165,000 pesos na patong sa ulo, sa Calbayog City Police Station.
Si Elbano ay mayroong arrest warrants kaugnay ng six counts of murder, four counts of frustrated murder, two counts of robbery with homicide, at direct assault with multiple attempted murder.
Pinapurihan ni Abalos ang PNP, Philippine Army, at mga lokal na pamahalaan sa pagsuko ng most wanted person sa Region 8, kasabay ng pagsasabing malaking bagay ito para sa katahimikan ng rehiyon.
Inihayag naman ni PNP Region 8 Police Chief, Brig. Gen. Reynaldo Pawid, na ang pinaigting na operasyon, pati na ang pagkumbinsi ng pamilya ang nagtulak kay Elbano na sumuko.