7 July 2024
Calbayog City
Entertainment

Moira Dela Torre inaming nakikipag-usap uli sa kanyang asawa na si Jason Hernandez

INAMIN ni Moira Dela Torre na nag-uusap uli sila ng kanyang estranged husband na si Jason Hernandez tungkol sa ilang importanteng bagay.

Ginawa ng singer ang rebelasyon sa kanyang concert sa Davao, kung saan sinabi nito na may kinalaman sa mga papeles ang pinag-uusapan nila ni Jason subalit hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye.

Naniniwala si Moira na makapagmu-move on sila nang walang bitternes, kahit hindi ito ang kanilang plinano sa buhay.

Noong may 2022 ay kinumpirma ng dalawa ang kanilang paghihiwalay matapos ang tatlong taong pagsasama, kasabay ng pag-amin ni Jason na hindi siya naging tapat kay Moira bilang asawa.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *