Nakipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority kay UP NOAH Executive Director Dr. Mahar Lagmay kasama ang Department of Environment and Natural Resources at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Sa nasabing pulong ipinrisinta ni MMDA Chairman Don Artes ang mga program ana makatutulong para maibsan ang pagbaha sa Metro Manila kabilang ang rainwater catchment facilities, drainage master plan, rehabilitasyon at upgrade ng Effective Flood Control Operation System, at ang panukalang Metro Manila Sponge City.
Hiningi ng MMDA ang expert opinion ni Lagmay sa planong paglalagay ng rainwater catchment sa iba’t ibang lokasyon sa Metro Manila para matiyak na nasa tamang design at magiging epektibo ang mga pasilidad.
Pinag-usapan din ang iba pang areas for collaboration ng MMDA at ng UP Resilience Institute para magkaroon ng mas epektibong flood management sa buong Metro Manila.