PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na i-recycle ang packages ng mga parcel ngayong kapaskuhan.
Ayon sa ahensya, maari pang magamit ang mga carton, plastics, at bubble wraps ng mga parcel na inorder sa online para sa mas sustainable na kinabukasan.
ALSO READ:
Bago i-recycle, sinabi ng mmda na kailangang tiyakin na tuyo at malinis ang mga karton, at alisin ang anumang tape, label, o plastic na nakakabit dito.
Pwede ring gamitin muli ang bubble wraps para sa pagpapadala, pag-iimpake, o bilang insulation sa hardin.
Noong Hulyo ay nakarekober ang MMDA ng mahigit 600 tons ng basura mula sa Pumping Stations at mga binahang lugar sa Metro Manila kasunod ng pananalasa ng bagyo at epekto ng Habagat.




