KINUMPIRMA ng City Arts and Culture Office (CACO) sa Calbayog na pangungunahan ni Miss Universe Philippines Ahtisa Manalo ang Panel of Judges sa Miss Hadang Festival Queen 2025.
Kabilang din sa mga panauhin ang Beauty Queen and TV personality na si Isabelle De Los Santos, na kinoronahan bilang 1st Runner-Up sa Miss Aura International 2024.
Bagong turnover na ambulansya, tumagilid at nahulog sa putikan sa Northern Samar
Northern Samar, tatanggap ng 1 bilyong pisong initial funding para sa mahalagang Road Project
Eastern Visayas hospital, nakapagtala ng kauna-unahang Multiple Organ Donation
Commander-in-Chief, muling pinagtibay ang pangakong Serbisyo at Kapayapaan sa Eastern Visayas
Magsisilbi naman si De Los Santos bilang isa sa mga host sa programa habang magsisilbing co-host ang actor, model, at Reigning Mister Global 2024 na si Luisito Corillo.
Sinabi ni CACO Head, Ma. Salome Roleda na ang kompetisyon ngayong taon ay selebrasyon ng ganda, talento, at kultura.
Nasa dalawampung kandidata ang magpapaligsahan sa Miss Hadang Festival Queen 2025 sa Grand Coronation Night, sa Sept. 4 sa Calbayog City Sports Center.