11 February 2026
Calbayog City
Local

Minimum wage earners sa Eastern Visayas, makatatanggap ng P35 na umento sa arawang sweldo

NAGLABAS ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng bagong order na nag-aapruba sa 35 pesos na Daily Minimum Wage Hike sa pamamagitan ng dalawang tranches, para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa Eastern Visayas.

Sa ilalim ng Wage Order No. RB-8-25, makatatanggap ang minimum wage earners ng 17 pesos na umento sa arawang sweldo, labinlimang araw matapos mailathala ang kautusan.

Ang minimum na arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Region 8 ay nasa 422 pesos hanggang 452 pesos, depende sa industry at geographic classification.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).