TUMABO na ang “Meet, Greet & Bye” ng Star Cinema, na Highest-Grossing Filipino Movie ngayong 2025, ng 215 million pesos sa Global Box Office, as of Nov. 23.
Patuloy na tumatanggap ng papuri mula sa moviegoers sa loob at labas ng Pilipinas ang pelikula na pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Piolo Pascual, Joshua Garcia, Belle Mariano, at Juan Karlos Labajo, dahil sa relatable story nito tungkol sa pamilya, pagmamahal, at sakripisyo.
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
Ang “Meet, Greet & Bye” na dinirek ni Cathy Garcia-Sampana ay showing pa rin sa mga sinehan, worldwide.
Simula noong Nov. 12, pinalabas ang family movie sa mga sinehan sa iba’t ibang panig ng mundo, gaya sa Australia, New Zealand, UAE, Qatar, Oman, Bahrain, United States, Canada, Guam, United Kingdom, Ireland, Austria, Italy, France.
Ipalalabas din ang pelikula sa Europe simula sa Nov. 27 sa Norway, Luxembourg, Belgium, Sweden, at Denmark, gayundin sa Singapore, habang sa Nov. 30 sa Hong Kong at Macau.
