NAGLABAS ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng bagong order na nag-aapruba sa 35 pesos na Daily Minimum Wage Hike sa pamamagitan ng dalawang tranches, para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa Eastern Visayas.
Sa ilalim ng Wage Order No. RB-8-25, makatatanggap ang minimum wage earners ng 17 pesos na umento sa arawang sweldo, labinlimang araw matapos mailathala ang kautusan.
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Ang minimum na arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Region 8 ay nasa 422 pesos hanggang 452 pesos, depende sa industry at geographic classification.
Ang second tranche naman na 18 pesos ay matatanggap ng mga empleyado, simula sa June 1, 2026.
Samantala, inaprubahan din ng Wage Board ang Wage Order No. RB-8-DW-06, na nagtataas ng buwanang minimum na sweldo para sa mga kasambahay sa rehiyon. Dahil dito, magiging 6,400 pesos ang Monthly Minimum Wage ng mga kasambahay mula sa kasalukuyang 5,800 pesos.
