26 December 2025
Calbayog City
Tech

Microsoft Global Outage, ilang kumpanya sa Pinas apektado

microsoft global outage

Sinabi ng Microsoft na gumawa na ito ng mga paraan para maayos ang pagkagambala sa serbisyo bunsod ng malawakang outage.

Ang mga airline, paliparan, bangko, kumpanya ng telekomunikasyon, at iba pang institusyon sa buong mundo, kabilang ang mga nasa Pilipinas, ay nag-ulat ng mga pagkaantala sa serbisyo dahil sa Microsoft outage.

Kabilang sa mga bangko na apektado ay ang Bank of the Philippine Islands (BPI), BDO, Metrobank, UnionBank at RCBC. Sa mga airlines naman ang Cebu Pacific ay nag kansela ng ilan nitong mga flights. Nagdulot naman ng hindi inaasahang pag-reboot ng mga computers na humantong sa ilang mga pagkaantala sa pag proseso ng check in at pag navigate sa AirAsia MOVE app.

Ang malwakang IT outage ay sanhi ng “faulty update” mula sa cybersecurity company na CrowdStrike, na nakaapekto sa mga computer na nakabatay sa Windows.

kuya pao

Author
A former Supervisor of BPO/Call center at Sykes Asia Inc. who has an interest in the new technologies. During his free time he loves to cook.