PINATAWAN ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ng Lifetime Ban at multa na 200,000 pesos si Michole Solera ng Gensan Warriors.
Bunsod ito ng kanyang Disqualifying Foul matapos suntukin si Jonas Tibayan, dahilan para isugod ang Mindoro Tamaraw player sa ospital noong Lunes ng gabi.
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Ayon sa MPBL, nagtamo si Tibayan ng Concussion, Broken Jaw, Busted Lip, at Fractured Shoulder.
Sinabi ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes na mariin nilang kino-kondena ang naturang insidente at hindi nila kukonsintihin ang mga kahalintulad aksyon.
Ito aniya ay dahil nakompromiso ang kaligtasan ng isang manlalaro at nabahiran ang imahe ng liga.
Maari ring makansela ang lisensya ni Solera sa Games and Amusement Board (GAB), at makatanggap din ng Lifetime Ban mula sa naturang Government Arm na nangangasiwa sa MPBL.