8 July 2024
Calbayog City
Overseas

Mga tripulanteng pinoy ng barkong tinamaan ng Russian missile, nakatadang umuwi sa Pilipinas

russian missile

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers na nakatakdang pauwiin sa Pilipinas ang lahat ng Pilipinong lulan ng barko na nasira ng Russian missile sa Black Sea.

Ipinaliwanag ni DMW Officer-In-Charge Hans Leo Cacdac na Filipino Crew ang lahat ng sakay ng Liberian-flagged civilian vessel na tinamaan ng missile, kaya kailangan muna nilang umuwi dahil nasira ang kanilang barko.

Sinabi ni Cacdac na sa ngayon ay inaayos na ang pagpapauwi sa mga tripulanteng pinoy matapos dumaan sa hindi pangkaraniwang sitwasyon para makapiling ang kani-kanilang pamilya.

Una nang kinumpirma ng DMW na apat na Pilipino ang nasaktan nang tamaan ng Russian missile ang barko na kanilang sinasakyan sa Black Sea Port sa Odesa Region, sa Ukraine.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *