PINANGUNGUNAHAN ng mga taga-Barangay Ginebra San Miguel ang initial PBA 2024 All-Star Voting Count.
No. 1 Vote-Getter ang beteranong si Japeth Aguilar na mayroong 24,372 votes; sumunod ang dating PBA MVP na si Scottie Thompson na may 17,398; at dating Best Player of the Conference Christian Standhardinger na may 15,400.
Nasa pag-apat na puwesto ang nagbabalik na si LA Tenorio na mayroong 15,390 habang ang high-flying na si Jamie Malonzo ay nasa no. 5 sa kanayang 15,014 votes.
Ang All-Star Voting na ginagawa sa pamamagitan ng online at in-venue ay tatagal hanggang sa Feb. 7, 2024.
Gaganapin ang games sa Bacolod sa susunod na taon.