BIBIGYAN ng libreng tickets ang mga pasaherong nakaranas ng Tap-Out Errors sa Pilot Run ng Cashless Payments sa MRT Line 3 (MRT-3).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang hakbang ay bahagi ng kanilang agarang solusyon sa reklamo ng mga pasahero ng MRT-3 na nakaranas ng System Errors habang nagbabayad sa pamamagitan ng bagong lunsad na Cashless Methods ng linya ng tren.
Inihayag ng DOTr na mahigpit nilang mino-monitor ang concerns ng MRT-3 riders, partikular ang mga kaso kung saan siningil ang mga pasahero ng maximum na 28 pesos bunsod ng System Issues nang mag-tapout sa Exit Turnstiles.
Bilang solusyon, ang mga apektadong pasahero ay bibigyan ng Non-Expiring SJT o Single Journey Tickets na katumbas ng Maximum Fare sa MRT, na maari nilang magamit sa susunod nilang sakay sa tren.
Maaring i-claim ng mga pasahero ang kanilang Free SJT sa alinmang MRT-3 Ticket Booth at iprisinta ang pruweba ng nabigong Tap-Out Transaction.