TUTULUNGAN ng Department of The Interior and Local Government (DILG) kasama ang Metro Manila Mayors at Administrators ng Public at Private Markets, ang Department of Trade and Industy (DTI) at Department of Agriculture (DA) sa pagpapatupad ng rice price cap, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Noong nakaraang linggo ay inilabas ni Pangulong Marcos ang Executive Order No. 39 na nagtatakda ng price ceilings para sa regular milled rice sa 41 pesos per kilo habang ang well-milled rice ay 45 pesos kada kilo, simula bukas, Sept. 5.
Sa meeting na pinangunahan ni DILG Secretary Benhur Abalos at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Don Artes, tiniyak ng mga Alkalde sa Metro Manila ang kanilang suporta sa pagpapatupad ng EO 39 sa pamamagitan ng kanilang local price coordinating council.
Inihayag ni Abalos na inaasahan din niya ang tulong ng market masters na mahalaga ang gagampanang papel sa epektibong pagpapatupad sa atas ng Pangulo.