KINUMPIRMA ng contractor na si Sara Discaya na may mga pagkakataon na ang mga kumpanyang kaniyang pag-aari ay naglalaban-laban sa bidding para sa isang proyekto ng gobyerno.
Lumitaw ito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, matapos tanungin ni Senator Jinggoy Estrada si Discaya kung nagkakaroon ba ng pagkakataon na mayroon sa siyam na kumpanyang kaniyang pag-aari ang nagkakalaban sa bidding.
Mag-asawang Discaya, pinangalanan ang mga kongresista at iba pang mga opisyal na nakinabang sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.
Pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga tiwaling contractors, inirekomenda na sa Ombudsman
Senador Tito Sotto, muling iniluklok bilang Senate President kapalit ni Senador Chiz Escudero
Batas na magtatatag sa Bataan High School for Sports, pirmado na ni Pangulong Marcos
Kinumpirma naman ni Discaya na nangyayari nga ito.
Ayon kay Estrada maituturing iyon na hindi lehitimong bidding dahil ang naglalaban para sa isang kontrata ay iisa lamang ang may-ari.
Una nang kinumpirma ni Discaya sa nasabing pagdinig na mayroong siyang pag-aari na siyam na korporasyon na nakaka-kontrata sa mga proyekto ng gobyerno.
Tinawag naman ni Senator Erwin Tulfo na “bidding-biddingan” ang nasabing proseso.