PINALAGAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang babala ng China sa kanilang mamamayan hinggil sa umanoy mga krimen sa Pilipinas na ang target ay mga Tsino.
Tinawag din ng DFA ang Advisory ng China na “mischaracterization” sa Security Situation ng Pilipinas.
Cyberlibel ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ
Interpol humihingi pa ng dagdag impormasyon sa request na red notice kay Zaldy Co
Hirit ni Dating Senador Bong Revilla na mailipat siya sa Camp Crame sinopla ng korte
Cong. Edvic Yap nagbitiw bilang kongresista; Cavite Rep. Kiko Barzaga suspendido ulit ng 60-araw
Binigyang diin ni DFA Spokesperson Angelica Escalona na ang mga krimen na inire-report kabilang na ang mga may gawa mismo ay Chinese Nationals laban sa kanilang kababayan, ay maigting na tinutugunan ng mga lokal na awtoridad.
Ginawa ng ahensya ang pahayag, isang araw matapos payuhan ng Ministry of Foreign Affairs ng China ang kanilang mga mamamayan na pag-isipan muna ang pagbiyahe sa Pilipinas.
Ayon kasi sa kanilang Embahada sa Maynila, lumalala ang seguridad sa Pilipinas, kabilang na ang tumataas na krimen na ang target ay Chinese Nationals.
