WALANG kalaban ang mga kandidato sa labinsiyam mula sa dalawampung barangay sa Matuguinao, Samar, sa October 30 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Matuguinao Mayor Aran Boller, ito’y ay bilang tugon sa kanyang panawagan na magpasya para sa isang kandidato sa Pagka-Punong Barangay at SK Chairman, at anim lamang para sa Barangay Kagawad.
Idinagdag ni Boller na bumuo ang kanilang local officials ng Unity Team upang matiyak na ang darating na halalan ay mapayapa, sa pamamagitan ng isang kandidato lamang kada barangay ang tatakbo.
Mula sa dalawampung barangay, tanging Barangay San Roque lamang ang mayroong dalawang kandidato sa Pagka-Barangay Chairman, na kinabibilangan ng ama ng isang sundalo at ina ng isang miyembro ng New People’s Army.