DALAWANG Road Sections sa Eastern Visayas na naapektuhan ng malakas na lindol sa Cebu noong Sept. 30 ang maari nang daanan, ayon Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang mga ito ay ang Calubian-San Isidro-Tabango-Villaba-Palompon Road sa Barangay Abijao, Villaba, Leyte; at Tabango-Catmon-La Fortuna-Manlawaan-Gimarco Road sa Barangay Manlawaan, Tabango, Leyte.
Bahagyang isinara ang kalsada sa bayan ng Villaba bunsod ng Landslide, habang ang kalsada sa Tabango ay nagkaroon ng limitadong Access dahil sa mga bitak sa isang bahagi ng Highway.
Sinabi ni DPWH Eastern Visayas Assistant Regional Director Margarita Junia na agad silang nag-deploy ng Maintenance teams upang magsagawa ng Clearing, karagdagang Assessment, at tuloy-tuloy na Monitoring.
Ang Magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu noong Martes ng gabi ay naramdaman sa lahat ng anim na lalawigan sa Eastern Visayas sa iba’t ibang Intensities.