NAGHATID ng tuwa at saya sa mga batang mag-aaral sa Calbayog City ang ipinamahaging school supplies, para sa pagbubukas ng klase ngayong Lunes.
Kahapon ay pinangunahan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang pamamahagi ng mga gamit pang-eskwela sa Calbayog Convention Centers.
ALSO READ:
DICT, hinimok ang mga LGU na bumalangkas ng plano para mapalakas ang Digital Transformation
‘E-Panalo ang Kinabukasan’ Program, inilunsad ng DSWD sa Eastern Visayas
Calbayog Fiesta 2025: Hadang Festival, Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary at Historic Three-Peat sa Tandaya
300 benepisyaryo mula sa Tacloban City, naka-graduate na mula sa 4Ps
Ipinamahagi ang mga bag, notebooks, mga lapis, crayons, at iba pang school supplies sa mga punong barangay, para makarating sa animnapung eskwelahan sa lungsod, lalo na sa malalayong barangay.
Ito ay para matiyak na bawat bata ay handa para sa isang matagumpay na school year.
Ang hakbang na ito ay patunay ng dedikasyon ni Mayor Mon sa edukasyon at para sa tagumpay ng mga batang Calbayognon.