21 May 2025
Calbayog City
Local

Mga establisyemento sa Eastern Visayas, humirit ng Liquor Ban Exemption sa halalan

WALONG tourism-related establishments sa Eastern Visayas ang humiling ng exemption mula sa Election Liquor Ban.

Ayon sa Department of Tourism (DOT) Regional Office, mangilan-ngilan lamang ang humirit ng exemption hanggang sa huling araw ng aplikasyon noong May 5.

Tatlo mula sa mga naturang establishments ay naka-base sa Calbayog City, Samar; tig-dalawa sa Tacloban City at Ormoc City sa Leyte; at isa sa Padre Burgos sa Southern Leyte.

Tanging DOT-accredited hotels, restaurants, bars, resorts, at iba pang related establishment ang pinapayagang mag-apply ng exemption.

Ipinaliwanag naman ni DOT Eastern Visayas Regional Director Karina Rosa Tiopes, na bagaman pinagkakalooban ng exemption mula sa Liquor Ban ang tourism-related establishments, mga dayuhang bisita lamang ang pinapayagang bumili at uminom ng alak.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).