PINATUNAYAN ni Andi Eigenmann ang kanyang water skills matapos masungkit ang 6th place sa Queen Of The Point Surfing Competition na ginanap sa Siargao.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Andi ang kanyang mga larawan habang sumasakay sa mga alon sa all-women longboarding event, pati ang ilang kaganapan mula sa after-party.
Labis ang kagalakan ng actress-turned-vlogger dahil naging bahagi ito ng kompetisyon na kumikilala sa sisterhood, lakas, at ganda ng kababaihang nagsu-surf.
Pinasalamatan din ni Andi ang kanyang partner na professional surfer na si Philmar Alipayo, at kanilang anak na si Lilo, sa ibinigay na suporta sa kanya.