ITATALAGA ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang female officers sa mahahalagang frontline positions upang ipakita ang kanilang leadership skills at kontrahin ang paniniwala na ang mga babae sa law enforcement ay para sa administrative duties lamang.
Ilalagay ang mga babaeng opisyal sa key positions sa Civil Disturbance Management contingents, Desk Operations, at elite Special Weapons and Tactics.
Sinabi ni NCRPO Director Brig. Gen. Anthony Aberin, na bukod sa leadership skills, ang female officers ay makapagbibigay ng reassurance, empathy at accessibility, kaya mas madali para sa mga biktima na lumapit sa kanila.
Idinagdag ni Aberin na mahalagang ang ginagampanang papel ng mga babaeng opisyal sa paglikha ng mas approachable at inclusive na police force.