BAHAGYANG bumaba sa 103.4 Billion Dollars ang Gross International Reserves (GIR) ng bansa noong Enero mula sa 103.8 Billion Dollars noong December 2023.
Ayon sa Bangko Sentral Ng Pilipinas (BSP), ang latest GIR level ay higit pa sa sapat na external liquidity buffer, katumbas ng 7.7 months na halaga ng imports of goods and payments sa services at primary income.
Ang pagbaba ng gross reserves ay repleksyon ng binayarang foreign currency debt obligation ng gobyerno.
Nabawasan din ang halaga ng gold holdings ng BSP bunsod ng bumabang presyo ng ginto sa pandaigdigang merkado.