Pinayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na magsuot ng face masks dahil sa patuloy na paglalabas ng gas ng Taal Volcano sa Batangas na nasa alert level 1.
Sinabi ni PHIVOLCS Director, Dr. Teresito Bacolcol, na kapag hindi agad nalusaw ang sulfur dioxide, maari itong maging vog o volcanic smog.
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Simula alas dose ng hatinggabi noong Sabado hanggang alas dose ng hatinggabi kahapon ay nakapagtala ang ahensya ng isang volcanic quake sa Taal.
Idinagdag ni Bacolcol na nakapagtala rin sila ng medyo mataas na sulfur dioxide noong Huwebes na umabot sa 11,072 tonnes.
Naobserbahan din ang pag-angat ng mainit na volcanic fluids sa main crater ng bulkan noong Sabado at mayroon ding na-detect na vog.
Nagbuga rin ng plumes ang Taal Volcano na umabot ang taas sa 2,400 meters na tinangay ng hangin pahila-hilagang silangang direksyon.
