Patay ang isang rider ng motorsiklo at kanyang pasahero makaraang sumalpok sa isang AUV sa isang panukulan sa Sta. Cruz, Maynila.
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, naka-green ang traffic light sa kahabaan ng Fugoso Street nang mabangga ng AUV ang motorsiklo na biglang nag-u-turn sa intersection.
ALSO READ:
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, nagsimula ng tumaas bago ang Valentines Day
2 gwardya sa Intramuros, timbog sa pananakit sa menor de edad
Dahil sa bilis ng takbo ng AUV, tumilapon ang rider sa kabilang lane habang ang pasahero nito ay naipit sa pagitan ng gutter at ng sasakyan.
Samantala, nagtamo naman ng minor injuries ang driver ng SUV habang ang pasahero nito ay nagkaroon ng head injuries.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng pulisya ang driver na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide.
