KABUUANG dalawanlibo at apat na scholars mula sa mga komunidad ng Seven Hills, Upper & Lower Happy Valley, at sa North & South Wings ng Calbayog District ang tumanggap ng Educational Assistance na tig-tatlunlibong piso.
Isinagawa ang payout, kahapon, sa Calbayog City Sports Center, na pinangunahan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy, at pinangasiwaan ng City Treasurer’s Office.
ALSO READ:
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
Binigyang diin sa naturang hakbang ang dedikasyon ng City Government na suportahan ang edukasyon at mabigyan ng kapangyarihan ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagtiyak na bawat iskolar ay mayroong access sa resources na magpapatibay sa kanilang academic journey.
