Wala pa ring plano ang actress-singer na si Maymay Entrata na sumali sa mga pageant.
Nang tanungin kung sasali na ba siya sa Miss Universe dahil bukas na ang International Pageant sa lahat ng adult women, hindi pa rin ang isinagot ng aktres sapagkat hindi aniya ito ang desire ng kanyang puso.
Gayunman, natatawang inamin ni Maymay na posibleng magbago ang kanyang isip kapag tinanggal ang question and answer portion sa pageant. Samantala, umaasa si Maymay na makakasama niya sa susunod na ABS-CBN Ball ang kanyang ‘AFAM’ boyfriend na si Aaron Haskell, makaraang solo siyang naglakad sa red carpet sa idinaos na event, kamakailan.