15 May 2025
Calbayog City
Entertainment

Maymay Entrata, kinumpirmang break na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend

KINUMPIRMA ni Maymay Entrata na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Aaron Haskell, kasabay ng apela sa kanyang fans na maging mabait sa dating kasintahan.

Ginawa ng aktres ang kumpirmasyon sa pamamagitan ng post sa X (dating twitter), kung saan tinawag niya si Aaron bilang kanyang “past relationship.”

Sa kanyang post, sinabi ni Maymay na muli siyang naligaw ng landas noong 2021 na tinawag niyang past trauma, kung saan nasaktan siya at sinaktan din niya ang mga taong nakapaligid sa kanya pati na ang kanyang mga mahal sa buhay.

Lumutang ang mga espekulasyon sa social media na hiwalay na sina Maymay at Aaron noong Marso matapos mapansin ng netizens na hindi na pina-follow ng aktres ang kanyang boyfriend sa instagram.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *