IKINABAHALA ng Department of Health (DOH) ang mataas pa ring bilang ng mga kaso ng tuberculosis (TB) sa Pilipinas.
Sa paglulunsad ng Integrated Delivery of TB Services (idots) Center sa The Medical City, ikinalungkot ni Health Secretary Ted Herbosa dahil sa kabila ng naaagapan at nagagamot ang TB ay nananatiling isa ito sa most pressing public health challenges sa bansa.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Sinabi ni Herbosa na noong nakaraang taon ay mayroong 546,452 TB cases na nai-record sa Pilipinas.
Aniya, bagaman mas mababa ang pigura kumpara noong 2023 ay malayo pa rin ito sa target sa TB-Free Philippines.
At upang maabot ang goal, binigyan diin ng kalihim na kailangang pagbutihin ang detection, paggagamot, pagsunod ng mga pasyente, at digital tracking tools upang ma-monitor ang sitwasyon ng tb sa bansa.