22 April 2025
Calbayog City
National

COMELEC, maglulunsad ng Oplan Baklas para sa mga lokal na kandidato sa Biyernes

NAKATAKDANG maglunsad ang Comelec ng nationwide campaign para baklasin ang mga iligal na election materials sa pagsisimula ng local campaign period para sa halalan 2025.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na magsasagawa ang poll body ng “Grand Oplan Baklas” para sa illegal campaign materials na nakalagay sa labas ng common poster areas o sa iba pang public places sa Biyernes, March 28.

Para naman sa campaign materials na nakalagay sa private properties, nanawagan si Garcia sa mga may-ari na himukin ang mga kandidato na sumunod sa COMELEC guidelines.

Ang local campaign period para sa halalan 2025 ay magsisimula sa March 28 hanggang sa May 10.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).