PATAY ang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa Caraga Region na si Myrna Sularte, alyas Maria Malaya, sa engkwentro laban sa tropa ng pamahalaan, sa Barangay Pianing, Butuan City.
Ayon sa 4th Infantry Division ng Philippine Army, nakasagupa ni Sularte, secretary ng NPA North Eastern Mindanao Regional Committee, ang mga sundalo, sa Sitio Tagulahi.
Si Sularte ay asawa ni Jorge Madlos, alyas Ka Oris, na isa ring mataas na lider ng NPA na napaslang sa bukidnon noong October 2021.
Sinabi ng militar na dalawang beses naka-engkwentro ng mga sundalo ang mga rebelde na ang ikalawa ay nagresulta sa pagkasawi ni Sularte.
Ang napaslang na npa leader ay nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal, gaya ng rebellion, aggravated arson, robbery with double homicide, kidnapping, at murder.