MAYROOON nang river ambulance ang bayan ng Maslog sa Eastern Samar upang mapabilis ang pagbiyahe ng mga pasyente mula sa malalayong lugar patungo sa pinakamalapit na ospital.
Ayon sa Department of Health (DOH) Eastern Visayas, ang kauna-unahang river ambulance sa Maslog ay opisyal na itinurn-over noong nakaraang linggo.
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Sinabi ng DOH Regional Office na ang naturang innovative at essential equipment ay magiging mahalagang pasilidad para sa mabilis na hospital referral at agarang medical services sa mga residente ng Maslog.
Ang ambulansya ay mayroong stretcher, automatic external defibrillator, nebulizer, portable suction machines, oxygen cylinder at iba pang medical equipment at accessories.
Sa kasalukuyan, ang Maslog ay accessible sa pamamagitan ng apat na oras na biyahe sa pamamagitan ng bangka patungo sa highway sa bayan ng Dolores.
