ISA ang patay habang apat ang sugatan sa Entrapment Operation ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar laban sa miyembro ng Wahingon Criminal Gang at lima pang hindi nakikilalang suspek, sa Calbayog City.
Nahuli sa akto si Ricardo Dealagdon, alyas Edgar Nayanga, residente ng Pido Extension, Barangay East Awang, na nagbebenta ng loose firearms matapos bentahan ng sub-machine gun sa halagang 22,000 pesos ang mga operatiba na nagpanggap na buyer.
Gayunman, napansin ng mga suspek ang paglapit ng mga awtoridad kaya agad silang nagsipulasan at pinaputukan ang mga ito, na nagresulta sa ilang minutong bakbakan.
Binawian ng buhay si Dealagdon habang tatlong miyembro ng operating team ang nasugatan at agad isinugod sa Calbayog District Hospital upang malapatan ng lunas.
Limang suspek naman ang nasakote at ngayon ay nasa kustodiya ng Calbayog City Police Station.