18 March 2025
Calbayog City
Entertainment

19 counts ng reklamong cyberlibel, isinampa ni Vic Sotto laban kay Darryl Yap

NAGSAMPA ng 19 na bilang ng reklamo na cyber libel ang aktor at TV Host na si Vic Sotto laban sa filmmaker na si Darry Yap.

Inihain ang reklamo sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Ang bilang ng reklamo ay katumbas ng bawat mapanirang post ni Yap, ayon kay Atty. Buko Dela Cruz – abogado ni Sotto.

Si Darryl Yap ang direktor ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa February 2025.

Sa trailer ng pelikula, mapapanood ang eksena kung saan tinatanong si Rhed Bustamante na siyang gumanap bilang si Paloma kung totoong ni-rape ba siya ni Vic Sotto.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).