18 May 2025
Calbayog City
Sports

Cignal, planong magdemanda laban kina Ces Molina at Riri Meneses bunsod ng umano’y breach of contract

BINASAG na ng Cignalhd Spikers ang katahimikan kaugnay sa pag-alis nina Ces Molina at Riri meneses sa koponan bago ang pagsisimula ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference ngayong buwan.

Kasunod ito ng anunsyo ng kanilang talent agency na Avior Talent Management, na kumalas na sa koponan ang dalawa.

Sa statement, inihayag ng Cignal na pinag-aaralan nila ang kanilang susunod na hakbang, kasama ang kanilang legal team kaugnay ng umano’y breach of contract ng dalawang players.

Ibinahagi rin ng Cignal na ipinabatid lamang sa agency nina Molina at Meneses na tatapusin na nila ang kanilang “live contract extension” nito lamang Jan. 6 para sa “unspecified opportunities abroad.”

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).